Hulyo 28, 2008
SONA (“Sakripisyo ng mga OFW, Niyurakan ng Administrasyon”) ni Gloria
“Sa ating mga OFW, tunay kayong mga bagong bayani. Sa inyong paglilingkod sa pamilya, sa ating bayan at sa Diyos, maraming salamat.” – GMA (July 24, 2006/ 3rd Regular Session of the 13th Congress of the Republic of the Philippines). Talamak sa bukang-bibig ng mga trapos at maging sa mga mamamayang Pilipino ang katawagang “bagong bayani ng bayan” na pagkilala para sa mga Overseas Filipino Worker’s, subalit ito ba’y tumatagos sa realidad ng buhay ng bawat Pilipino. Taong 2002, pinangunahan ni GMA na ipagmalaki at purihin ang OFW sektor. Sa kadahilanan, ang mga OFW ay nakapagtala ng 6 Bilyong US dolyares na remitanses sa nakalipas na taong 2001. Ang remitanses ng mga OFW ay kinilala bilang pundamental na instrumentong tagapagligtas sa lugmok na ekonomiya ng bansa. (http://www.gmanews.tv/story/72924/OFW-remittance-trends). Lumahok ang OFW sektor sa panawagan ni GMA, kaya’t ang “Comprehensive OFW Reintegration Program (CORP)” ay nalikha sa nakaraang ‘First National Conference on OFW Reintegration’ na inorganisa ng OWWA at ng mga ilang NGO’s, na ginanap noong taong 2002 (http://www.philippinestoday.net/May2002/prelease2_502.htm). Sa kabila ng lahat, sayang at nasayang lamang ang mga lumilipas na panahon, sapagkat magpasa-ngayon ay sawing-palad pa rin ang produktong panukala ng naturang konperensya, bagkus ginamit lamang itong pangsariling behikulo sa pagsasakatuparan ng kani-kanilang pampulitika’t pangsariling interes. Ang programang re-integrasyon ay matagal nang ipinaglalaban at iginigiit ng mga progresibong OFW, subalit ito ay “binaboy” ni GMA sa kanyang mapangkunwaring pakikilahok.
Bakit mahalaga ang OFW Reintegration Program? sa payak na depinisyon, ito’y pagpaplano at kapasyahan ng buong kasapian ng pamilyang OFW; sa yugto ng bago umalis ng Pilipinas, habang nasa ibang-bansa, at sa pagbabalik sa Pilipinas. Sa programang re-integrasyon ang bawat pamilyang OFW ay magkakaroon ng uportunidad at pag-asa para sa kaseguruhan at kabuhayan, at higit sa lahat, ang pagkilala sa balyus ng pamilya, sama-sama at masayang namumuhay sa sariling-bayan. Ang gampanin lamang ng pamahalaan ay i-facilitate, ayudahan at proteksyonan ang diwa ng 16B USD remitanses ng OFW, para sa kapakanan ng pamilyang OFW, at ng sambayanan. Gamitin ng tapat at wasto ang diwa ng 16B USD remitanses ng mga OFW, upang paandarin ang ekonomiya’t makamtan ang kaunlaran na tatagos sa sikmura ng masang Pilipino. Ang diwa ng remitanses ng mga OFW ay para sa bayan, hindi para lamang sa iilang ganid na kapitalista’t oligarkong Pilipino.
Tatlong katanungan: (1) Ikaw na OFW, masaya ka ba sa kalagayan mo na malayo sa iyong pamilya, asawa’t mga anak? (2) Hanggang kailan matatapos ang iyong pagiging OFW? (3) Bakit umaasa na lamang ang administrasyong GMA sa bilyong remitanses ng mga OFW sa pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ng bansa? Sa nabanggit na katanungan, ang pagsusuri at pagtatasa sa mga nakaraang SONA ni GMA ay naroon ang kasagutan, at malalantad ang tunay ng kalagayan ng OFW sektor at ang tunay na larawan ng lipunang Pilipino.
“The state of the nation is strong. Inyong lingkod, Gloria Macapagal Arroyo, Pangulo ng Republika ng Pilipinas.” Ito ang winika ni GMA sa kanyang State of the Nation Address, noong July 23,2007. Tunay na matikas at matigas ang kanyang pananalita sa kanyang hambog na pagsasabing matatag ang bansa, pero sa katotohanan, ang kabuhayan ng bansa ay para lamang sa iilang ganid at taksil na Pilipino. Habang gutom at hirap ang masa’t maralitang Pilipino, tanging ang 16 bilyong US dolyares na remitanses ng mga OFW ang ginagamit na instrumentong “safety valve” ni GMA upang manipulahin ang pambansang ekonomiya ng bansa.
Patunay na hindi seryoso ang administrasyon ni GMA sa pagpapatupad ng programang re-integrasyon para sa mga OFW. Sa nakaraang pitong SONA ni GMA, hindi niya isinatitik at winika ang programang re-integrasyon, na-i-wika man niya ang salitang OFW sektor ito ay gamit palamuti lamang, bagamat naging palasak ang pangalan ni Angelo Del Cruz sa nakaraang SONA ni GMA, taong 2004. Karagdagan nito, ipinagmayabang sa katitikan ng Executive Summary Report ni GMA; na naka-pagdeploy ng 3.12 milyong OFW ang kanyang administrasyon, simula noong Enero 2001 hanggang 2004, at ang kabuuang remitanses sa naturang panahon ay nai-talang umaabot sa 22.77 bilyong US Dollars. Samakatuwid, si GMA ay walang konkretong programang re-integrasyon, si GMA at ng mga iilang ganid na kapitalista’t oligarkong Pilipino ay TAKSIL sa bayan sapagkat pina-igting nila ang programang deployment ng mga OFW para lamang sa kani-kanilang interes at pakinabang.
Sa artikulo ng OFW Journalism Consortium, Online Edition, ini-ulat ni Villy Cabuag/May 2002: “Reintegration is the crying need of OFWs," President Arroyo said at the meeting with the migrant groups, led by BaliKaBayani Foundation and the Economic Resource Center for Overseas Filipinos (ERCOF), on April 18 (http://www.philippinestoday.net/May2002/prelease1_502.htm). Ang naturang pagpupulong ay ginanap sa Malacañang, noong taong 2002. Nanindigan si GMA na ipa-prayoridad ang pagpapatupad ng programang re-integrasyon para sa mga OFW. Sa paglipas ng anim na taon, walang pag-usad, at walang pagbabago’t pag-unlad na naganap. Sa patuloy na pakikibaka ng mga watak-watak na organisado’t progresibong grupong OFW para sa pagsasakamit ng reintegration program, bokya pa rin magpasa-ngayon.

"Reintegration is the crying need of OFWs” – GMA, tunay na sanlaksang luha’t paghihinagpis ang nararamdaman ng bawat OFW, sapagkat mapagkunwari’t taksil si GMA sa kapakanan at interes ng OFW sektor. Narito ang karagdagan dalawang talata, na sinipi mula sa naturang artikulong isinulat ni Villy Cabuag:
“However, Anonuevo said that when the group asked the President if migrant civil society groups can dictate where to use the earnings on the OFW bonds that the Department of Foreign Affairs plans to float, "She said no.".
Anonuevo also related that civil society groups asked the President for seed money from her Presidential Social Fund for information campaigns abroad and other activities relating to the reintegration plan but Mrs. Arroyo did not seem too receptive to the idea.
Sapat na ang dalawang talata na isinatitik sa itaas na nito, upang husgahan si GMA. Nawa’y maging bukas at mapanuri ang isipan ng bawat indibidwal na OFW. Sino ba sa inyo? mga Dakilang OFW na nakakabatid sa “Comprehensive OFW Reintegration Program (CORP)”. Kung mayroon man, ang mga iilang lider lamang ng mga watak-watak na pamayanan at grupong OFW, sa labas man o sa loob ng bansa. Makabuluhan ang malawakang kampanya para sa gawaing pang-inpormasyon hinggil sa CORP, ang negatibong tugon ni GMA ay larawan ng KATAKSILAN. Bagay na sinamantala ni GMA ang watak-watak at di-nag-kaka-isang hanay ng mga OFW.
Samakatuwid, ang mga SONA ni GMA ay walang saysay at punong-puno ng pagkukunwari. Mayroong bang tinukoy si GMA para sa programang re-integrasyon? wala… Hindi nabigyan-diin ang programang re-integrasyon para matugunan ang di-matawarang sakripisyo ng mga OFW. Ang masakit na katotohanan, sinukat pa ni GMA ang kapasidad ng OFW sektor hinggil sa remitanses. Pagkatapos, si ex-OFW ay ini-hanay at ini-halintulad pa sa ex-tambay at kay Manny Pacquiao. Hunggak talaga! ang administrasyon ni GMA, “ang katapangan ni Manny Pacman ay ginawa pang modelo ni GMA sa di-matawarang sakripisyo’t katapangan ng mga OFW”? ito ay patunay na talagang ipinagtutulakan ni GMA ang mga mamamayang Pilipino na magtrabaho sa ibayong-dagat… (“The Filipino will work anywhere because he is not afraid. Like Manny Pacquiao, given the chance to compete, he will take it and he will win.” – GMA 3rd Regular Session of the 12th Congress of the Philippines/ 28 July 2003)
Sa July 28, 2008, muli na naman magtatalumpati at magpapahayag si GMA, aasa ka pa ba? Ang State of the Nation Address ni GMA ay pawang pang-sariling interes at para sa kapakinabangan ng mga iilang ganid na kapitalista’t oligarkong Pilipino, para sa mga TRAPOS, at para sa mga taksil sa bayan. Kaya’t sa mga nakaraan at darating pang SONA ni GMA ay nangangahulugan na “Sakripisyo ng mga Ofw, Niyurakan ng Administrasyon ni GMA”.
Pagtatasa sa nakaraang SONA (“Sakripisyo ng mga OFW, Niyurakan ng Administrasyon ) ni GMA:
“Our fundamentals are paying off in huge leaps in investment. Anim na milyong trabaho ang nalikha sa anim na taon, most in sustainable enterprises. Sa lakas ng piso, bumagal ang pagtaas ng bilihin.” - GMA
Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga OFW na lumalabas ng bansa kada araw ay nasa sapantahang 3000 katao, sa loob ng isang buwan ay 90,000 katao, at sa isang taon ay umaabot sa 1 milyong. Sa nagdaang anim na taon, nananatiling nasa antas ng 10% ng populasyon ng Pilipinas ay pawang nakabilang sa OFW sektor, na ito’y humigit-kumulang sa 10 milyong mamamayang Pilipino. Nasaan ang anim na milyong trabaho ang nalikha sa anim na taon? Ang kung may trabahong nalikha, bakit patuloy ang pagdami ng bilang ng mga OFW? (http://www.poea.gov.ph/stats/2005deployment.xls)
“Sa lakas ng piso, bumagal ang pagtaas ng bilihin”, - GMA; may katotohanan ba? Sinabi ni G. Jake Macasaet ng Abante: “Ano ba talaga ang nangyayari ngayon? Dapat alam na ninyo. Mura ang dolyar. Pinahihirapan naman ang mga OFW at mga exporter.” (http://www.abante.com.ph/issue/oct1207/main.htm). Sa kabila ng pagmamayabang ng pamahalaang Gloria sa paglakas ng piso, ay ganun rin ang pag-atungal at pag-angal ng mga OFW sa palitan ng PISO sa DOLYAR. Noong buwan ng Agosto,2007; ang mga ilang organisasyong OFW ay lumikha’t nag-organisa at nagsulong ng isang petisyon, na tinawag nilang “Overseas Filipinos Launch Campaign for Special Foreign Exchange Rate” (http://www.se-productions.org/NewsDetails.asp?ID=135).
Narito ang isang buhay-na-karanasan; Balikan natin ang kaganapan sa Manila Pen, noong nakaraang 29 November 2007. Sa petsa ng November 27 at December 3, 2007 ang palitan ng piso sa dolyar ay nasa 42.798 at 42.759 ayun sa pagkakasunod-sunod nito. Nang kumalat ang balitang pag-aaklas at pagsasahimpapawid nina Gen. Lim at Senator Trillanes ng kanilang “withdrawal of support” at panawagan para sa pag-aaklas ng sambayanan, ang mga OFW ay nagsilundagan… yehey… sumigaw, sumayaw at nagdiwang… at naglupasay sa tuwa, subalit hindi para sa naka-ambang pagbabago kundi para sa hinihintay Nilang pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar! Subalit sawing-palad ang mga OFW sektor, ang kanilang hinihintay na pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar ay hindi naganap, bagkus patuloy na bumaba ang palitan ng piso sa dolyar. Ang hindi batid o sadyang manhid na yata ang OFW sektor, ang lakas at tatag ng Piso ay sanhi ng kanilang sama-samang remitanses. Sa kadahilanang umabot sa 14.4B US Dollars ang iniulat at nai-tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang kabuuang remitanses ng mga OFW sa nakaraang taong 2007, at tinatayang aabot pa sa 16.4B US Dollars sa kasalukuyang taong 2008. (http://www.manilatimes.net/national/2008/july/16/yehey/business/20080716bus1.html).
Masakit man tanggapin ang katotohanan; karamihan sa OFW ay apektado sa pagbaba ng palitan ng PISO sa DOLYAR, lumiit ang halaga ng kanilang remitanses. Kaalinsabay nito’y ang pagtaas ng bilihin sa lokal na merkado sa Pilipinas. Lumakas ang piso, subalit tuloy-tuloy naman ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Sa isang OFW, at higit sa ordinaryong mamamayang Pilipino, batid ba niya ang “halaga” o kayang-bilhin ng isang PISO? Ano ba ang mabibili sa isang Piso? Sa lumipas na dekada ’70; ang batang paslit na si Totoy ay maaring makabili ng “limang-pirasong kending hubad” sa halagang isang mamera, doon sa tindahan ni Mang Mao Tse. Sa ngayon; ang singkong-duling ay wala nang halaga, at ayaw nang tanggapin ng batang paslit na si “Dude” ang halagang isang piso, sapagkat hindi kayang bilhin ng isang piso ang kendi na gawang-tsina.
(http://www.focus-economics.com/indicators/080704_philippines_inflation.htm/ http://www.bsp.gov.ph/statistics/spei/tab34.htm).
“Sa unang pagkakataon, gumastos ang Philhealth ng higit P3 bilyon sa paospital ng maralita.” – GMA
Sa humigit-kumulang na 10M OFW na nasa iba’t-ibang sulok ng daigdig, sino-sino ba ang maaring makinabang sa kontribusyon ng 25USD na bayarin ng bawat OFW, na binabayaran kada sa pag-alis nito. Sa Medicare Program, ang bawat OFW ay kailangan magbayad ng 900php kada pag-alis nito, o kaya’y sa panahon ng pagbabakasyon (balik-manggagawa), at upang makakuha ng Overseas Employment Certificate, nangsaganun ay wala nang babayaran pang travel tax, terminal fee sa airport at iba pa.
Nasaan at magkano na ba ang kasalukuyang kabuuang trust fund? Sa nalikom ng OWWA, na mula sa 900php kontribusyon, batay sa pagtutuos, ito ay umaabot sa 4B php kada taon. Sa kabuuang koleksyon, batay sa imbestigasyon ng Senado, nabatid na mayroong 7.1B php pondo ang OWWA na naka-deposito sa Land Bank of the Philippines (Landbank), 3.2B php sa Development Bank of the Philippines (DBP), at 703M php sa iba’t-ibang banko. (http://migrantsnews.blogspot.com/2006/08/owwa-fund-juggling-confirmed-by-coa.html).
Taong 2003, iba’t-iba ang kapahayagan at paninindigan ang mga ilang grupong OFW hinggil isyu ng paglilipat ng OWWA-medicare sa Philhealth, may tumutol at may sumang-ayon, at ang argumento ay nakapokus sa mababaw na hangarin, ito’y patungkol lamang sa gawaing pagpapalaganap ng inpormasyon at edukasyon sa benepisyong makukuha sa OWWA-PhilHealth Medicare Program, at yaong “masungit at di-propesyonal na serbisyong pamamalakad at panininamahala ng mga OWWA personnel.(http://www.arabnews.com/?page=4§ion=0&article=27251&d=10&m=6&y=2003)
Bakit nga ba atat-na-atat ang pamahalaang GMA sa pagsasakatuparan nito? Marahil, ito ay may kaugnayan sa malawakang pamamahagi ng Philhealth Card ni GMA noong bago maganap ang pinakamaruming eleksyon nasyonal, taong 2004. (http://www.senate.gov.ph/press_release/2006/0804_pimentel2.asp) Sa naturang ring taon, nang dahil sa pagkakawatak-watak ng grupo’t organisasyong OFW, ito ang naging daan upang marahang niluto ng pamahalaang GMA ang OWWA-PhilHealth Medicare Program. Bago maganap ang nakaraang taong 2004 eleksyong nasyonal, ang OWWA Board Resolution 005 ay napagtibay noong February 2,2004 at nang araw ding iyon ay nilagdaan ni GMA ang EO 182, na pawang may paksang patungkol sa paglilipat ng OWWA Medicare sa Philhealth. Hanggang, ito’y na-i-sakatuparan noong taong 2005; na ang 530M php ay na-i-lipat sa Philhealth, sa dalawang tranches noong buwan ng Marso at April (http://www.pcij.org/blog/?p=1091/ http://migrantsnews.blogspot.com/2006/08/owwa-fund-juggling-confirmed-by-coa.html). Taong 2006, tuluyan nang sumingaw ang isyu hinggil sa pagsasalin ng 530 milyong piso sa Phillhealth , mula sa pondo ng OWWA. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Senado, ang OWWA Board Resolution 005 ay pinagtibay na walang sapat at maayos na konsultasyon sa hanay ng mga OFW, at ang pagtutol ng kinatawan ng OFW sektor sa OWWA board of trustees.
PAGLALAGUM
Gising… Bumangon ka Dakilang OFW! Habang lumilipas ang panahon, patuloy ang pang-aabuso ng mga iilang ganid na kapitalista’t oligarkong Pilipino, mga gahaman at taksil na iilang halal at di-halal na pinuno ng bayan, ang mga nakakarimarim na TRAPOS. Mahigit pitong taon na! sapul nang agawin ni GMA ang kapangyarihang politikal kay ERAP. Apat na taon na ang lumipas, sapul nang maluklok si GMA bilang pangulo sa pinaka-kontrobersyal na eleksyon, nang dahil sa “HELLO GARCI CDs’”! Sa nakaraang SONA ni GMA, noong taong 2007; sa kanyang winika na: “Ngunit pangunahin pakikibaka pa rin para sa karapatan ang pagpapalaya ng masa sa gutom at kahirapan”. Ang naturang kataga ay balidasyon na talagang hunggak si GMA, sampu ng kanyang mga alipores. Ang kasakiman at kawalan ng kredibilidad ni GMA ang sanhi ng kahirapan at nararanasang gutom ng mga masang Pilipino. Sa katotohanan, kung susuriin natin maigi ang kalagayan ng pambansang kabuhayan – “ito ay may malaking opurtunidad para sa pagbabago” subalit ito ay sinarili lamang at para lamang sa mga kampon ni GMA, at sa kanyang pakiki-kutsaba sa mga iilang ganid na kapitalista’t oligarkong Pilipino. (http://bayanikabayan.blogspot.com/2008/03/philippine-oligarchic-syndicracy.html)
Makikita ang tunay na larawan ng lipunang Pilipino sa “Oligarchic Syndicracy Diagram” na iginuhit ni Neri, na dating kalihim ng NEDA. Ang naturang diagram ay isinumite ni Lito Banayo sa Senado, noong kasagsagan ng imbestigasyon sa ma-anomalyang NBN/ZTE Deal. Pinatutunayan nito, na ang gobyerno ng Pilipinas ay pinaninimahalaan ng mga iilang ganid na oligarko’t sindikatong Pilipino. Sa naturang diagram, ang mga iilang ganid na Pilipino ay patuloy na ginagahasa ang kaban-yaman at yamang-kalikasan ng bansa, habang nagugutom ang limang milyong Pilipino na sila rin ang nagmamanipula. Ang pinakamasakit para sa OFW sektor, ang 16.4B USD remitanses nito ay tinagurian at ginagamit na instrumentong “Safety Valve” ng mga iilang taksil at ganid na Pilipino.
Marahil, kahit paano’y may pag-unlad nang dahil sa 16.4B USD remitanses ng mga OFW, subalit kung mayroon ngang pag-unlad ay hindi naman ito kaagad tumatagos sa masang Pilipino, sa mga maralitang Pilipino. Sa katotohanan, ang isa sa konkretong indikasyon ay yaong penomenang pagdami ng mga itinayong bagong shopping malls (SM, Robinsons…). Mula sa pusod ng Maynila ay umaabot na sa mga probinsya. Bagay na, kung susuriin natin ang datos ng mga pamilyang OFW, kung saan mataas ang bilang OFW ay naroon ang mga bagong shopping malls, sapagkat ang 16.4B USD remitanses ng OFW ay umiikot at naglipana sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas. Datapuwa’t ang paglago ng shopping malls ay isang ampaw na pagbabago’t para lamang sa iilang ganid na Pilipino. Ang tanging problema o sagabal sa pagsasakamit ng pambansang pagkakaisa’t katubusang pang-ekonomiya ay yaong kawalan ng kredibilidad at kawalan ng katapatan ni GMA, sapagkat wala nang tiwala sa kanya ang taumbayan. Kung bakit naghihirap at nagugutom ang sambayanan? … ito ay sa maling pamamalakad ni GMA, ang matagal ng bulok na sistemang panlipunan, pampulitkal at pang-ekonomiya, sa kasakiman at kataksilan ng mga ilang kapitalista’t oligarkong Pilipino, kahapon at ngayon… (http://susie2412.multiply.com/journal/item/5/Why_Are_We_Hungry)
Samu’t saring isyu’t anomalya ang nagsilutangan sa nakaraang taong 2007; tulad ng NBN/ZTE Deal, North at South Railway/ CyberEd/ ang naganap na lantarang pamumudmod ng ½ milyon at 1 milyong piso sa mga congressmen at mga lokal na opisyales sa loob mismo ng bakuran ng Malacañang, ang Spratly Deal… ang oil price hike at ang rice shortage, at pagtaas ng presyo ng pesticide at gamit pang-agrikultura, ang laganap na smuggling ng gulay at maraming pang iba.. Higit sa lahat, ang nakaka-inis at nakakasukang E-VAT, bagamat walang buwis na pinapataw ang gobyerno sa remitanses ng OFW. Matagal nang niloloko ni GMA ang taumbayan sa usapin ng E-VAT, na di-makatao’t di-makatuwirang buwis. Saan man dako ng gastusin ng bawat pamilyang OFW; ang VAT ay direktang nakaka-apekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, lalo’t sa mga maralitang pilipino. Narito ang siniping talata mula sa Asia Pulse, Jan 30 2006; “Asked whether the national government is concerned that the two-percentage point increase in VAT rate to 12 per cent would hurt consumption and threaten growth, Arroyo said, "the counterforce to that would be the remittances from OFWs." (http://www.accessmylibrary.com/coms2/summary_0286-12545890_ITM) Karagdagan, sa magka-kaalinsabay na pagtaas na inflation rate, at ng pagtaas ng presyo langis at ng pagkain; ang paglobo ng remitanses ng OFW ngayon taong 2008, ang tanging paktor parin na nagbibigay ng katatagan sa ekonomiya ng bansa at kahit paano’y pumipigil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangdomestikong produkto. (http://www.manilatimes.net/national/2008/july/16/yehey/business/20080716bus1.html).
Ikaw na Dakilang OFW, nasaan ka? Sakripisyo mo’y niyuyurakan… ang iyong matagal na pagkawalay sa iyong pamilya’y di-maaaring matumbasan ng PERA na iyong pinadadala, bilang remitanses, na siyang nagbibigay-buhay at tatag ng kabuhayan ng bansa. Ang sektor ng OFW ba’y mananatiling tuod sa katotohanan? At para sa mga iilang ganid na kapitalista’t oligarko; “ang OFW ay isang maamong dambulahang ‘gatasang-baka’ lamang”. Ito ay iyong namnamin, sapagkat ang bawat paglipas ng panahon sa iyong pagkawalay sa kamag-anak mo, sa pamilya mo, sa iyong asawa’t anak ay isang sakripisyo, na may kaakibat na “social cost”, at kailanman ay hindi na maaring ibalik pa ang mga lumipas na panahon. Dakilang OFW… “Mag-ipon hindi lamang sa pananalapi, mag-ipon ng tagumpay sa bawat panahon, ito’y isang tunay na sakripisyo’t pag-aalay, para sa bayan at para sa iyong pamilya.” – Amado Maglaya

PANAWAGAN AT PANALANGIN
1. Tutulan ang appointment ni PICHAY sa OWWA! Igiit ang representasyon ng OFW sektor sa OWWA, bilang Administrator. (http://globalnation.inquirer.net/news/breakingnews/view/20080721-149819/OFW-grou)
2. Alisin ang VAT sa produktong langis at kuryente’t tubig.
3. Pananalig sa Pagtatatag ng Transitional Rebolusyonaryong Gobyerno:

Sa matinding pagkapit ni GMA sa kapangyarihan, at sa kuko ng mga iilang ganid na kapitallista’t oligarkong Pilipino, ang bawat gaganaping eleksyon ay hindi magluluwal ng isang malinis at tapat na administrasyon. Ibig sabihin, ang umiiral na demokrasya sa Pililpinas ay hindi para sa sambayanan, ito ang matagal nang kanser ng lipunang Pilipino, sa mahigit 300 taon nang nakakalipas. Sa Transitional Rebolusyonaryong Gobyerno, ay magkakaroon ng katuparan at kaganapan ang CORP. Sinumang progresibo’t rebolusyonaryong grupo na makapagtatag ng Transitional Rebolusyonaryong Gobyerno, karapat-dapat na igiit ang representasyon ng sektor ng OFW sa Konseho nito. Datapuwa’t ang Pangkalahatang Kasapian ng Konseho ng Transitional Rebolusyonaryong Gobyerno ay nararapat na may malawak na representasyon, mula sa iba’t sektor ng lipunan. At higit sa lahat, karapat-dapat na magbuklod ang lahat ng armadong rebolusyonaryong kilusan – RPA-ABB, NPA, MILF, MNLF, Bagong Katipunan (BK / Magdalo), Makabayang Kawal Pilipino (MKP), Young Officers Union of the New Generation (YOUNG). (http://bensumogoy.wordpress.com/2008/06/29/transitional-revolutionary-government/ http://www.thenewstoday.info/2005/07/22/columns6.htm)
Ang military transition government ay isang alternatibong behikulo para sa pagsasakamit ng Transitional Rebolusyonaryong Gobyerno, sa pangunguna ng mga patriotikong kasundaluhan at kapulisan. “But the failed revolt of Senator Trillanes and General Lim finally made the choice for the nation. And that choice is a revolutionary transition government to be led jointly by a civilian and a military figure. After that failed event, there can’t be any question any more as to what the answer to the nation’s dilemma should be: a revolutionary transition government to be led by Senator Trillanes and General Lim. Both are morally unstained figures in their respective areas. Trillanes, although a military man by profession, is now a civilian and a political figure. Lim, though in detention, continues to be a prestigious member of the military.” - Alejandro Lichauco/ Analysis – The Daily Tribune/ Dec.2 2007 (http://www.tribune.net.ph/20071203/commentary/20071203com3.html)
4. Pagtatatag ng Konseho ng mga Lider OFW:
Ito’y paghamon sa lahat ng mga Lider OFW, ang kawalan ng pagkakaisa sa hanay ng OFW ay isa pundamental na sanhi sa kabiguang makamit at ipatupad ang CORP. Kung saan, ang representasyon ay magbibigay-diin sa land base sektor. Sa bawat bansang mayroon OFW at eksisting na Tanggapan ng OWWA ay magiging batayan sa bilang ng mga kinatawan. Sa Saudi Arabia, kikilalanin itong natatanging sub-rehiyon, bilang pagkilala sa pinakamalaking bilang ng OFW sa buong gitnang-rehiyong asya. at yaong pagkilala’t pasasalamat sa mga kapatid na Filipino Muslim. Sa anim na itatalagang kinatawan, ito ay binubuo ng tatlong Pilipinong Muslin at tatlong Pilipinong Kristiyano, na naka-destino sa erya ng Al Khobar, Riyadh at Jeddah. Sa kabuuang bilang ng kasapian ng Konseho ng mga Lider OFW, ito ay aabot sa 33 kinatawan na mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. (Hongkong, Singapore, Japan, Brunei, Korea, Malaysia, Taipe (3), Italy (2), Greece, Spain, Saipan, Washington, London, Geneva, Saudi (6) Doha, Kuwait, Israel, UAE (2), Bahrain, Oman, Libya, Libanon, Jordan). “Pangunahing gampanin ng Konseho ng mga Lider OFW ay maging kasapi ng OWWA Board of Trustees.”
5. Buwagin ang POEA at pagtatatag ng nagsasariling Department of Overseas Filipino Workers:
Ito ay kikilalaning pansamantala at natatanging departamento, lima hanggang sampung taon lamang ang termino nito. Ang appointment para sa kalihim ng Department of Overseas Filipino Workers ay batay sa rekomendasyon ng Konseho ng mga Lider OFW. Kung ang pambansang ehekutibo ay may ipinanukalang personalidad na labas o hindi saklaw ng OFW sektor, ang konsultasyon at pagsang-ayon ng Konseho ng mga Lider OFW ang mahigpit na rekisitos para sa pagsasakamit ng appointment.
6. Buwagin ang National Reintegration Center for OFWs at Itatag ang Bureau of OFW Reintegration, na nasa ilalim ng nagsasariling Department of Overseas Filipino Workers
7. Pagyabungin, palakasin at susugan ang Republic Act 8042 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995)/ Ipatupad ang Joint Resolution No. OFWC06-002, Series of 2006; Dated: 8/05/06 ng OFW CONGRESS-RIYADH. (http://ofwcongress.blogspot.com/2006_05_01_archive.html )
8. Susugan ang Local Government Code, na kilalanin ang OFW ay isang natatanging sektor at pagkalooban ng representasyon, mula sa antas ng konseho ng barangay, bayan o siyudad, probinsyal at rehiyonal (pederal). Ang representasyon, ay pansamantala lamang, kawangis sa pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers.
9. Ipatupad ang nasyonalisasyon ng remitanses, kaalinsabay sa pagtatatag ng OFW Bank.
10. Isulong at Pagyamanin ang Moral Recovery Program sa mga pamilya’t komunidad ng OFW, sa labas o sa loob man ng bansa. Ang Commission of Filipino Overseas, ang itatalagang implementing-arm.
Ibigay ang para sa bayan, ibigay ang para sa Diyos.

SULONG SA KADAKILAAN… OFW!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
Ang inyong lingkod,
Kilusang Dakila Ka OFW
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento